Mga kaso ni Pastor Quiboloy puwedeng piyansahan at ipawalang bisa—Sen. Tolentino

Mga kaso ni Pastor Quiboloy puwedeng piyansahan at ipawalang bisa—Sen. Tolentino

NANANAWAGAN si Sen. Francis Tolentino na irespeto ang karapatan ni Pastor Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name.

Sa pulong balitaan sa Senado, sinabi ni Tolentino na bailable naman ang mga kaso ni Pastor Quiboloy na maari naman siyang mag piyansa sa korte.

Dagdag din ng senador, maari din namang maghain ng motion to quash ang kampo ng Pastor para mapawalang bisa ang arrest warrant.

Paalala ni Sen. Tolentino na may proseso sa batas na dapat na respetuhin ninuman.

Sa isyu naman ng warrant ng Kongreso at Senado kay Pastor Quiboloy sinabi ni Tolentino na antayin na lamang ang desisyon ng Supreme Court.

Ayon kay Tolentino maaring igiit ng Senado ang Article 150 ng Revised Penal Code na maaring mag isyu ang korte ng arrest warrant, subalit bailable at maari din mag motion to quash ang kampo ni Pastor Quiboloy rito.

Follow SMNI NEWS on Twitter