MULI na namang nakasabat ang Bureau of Customs (BOC) ng mga smuggled na pula at puting sibuyas sa Manila International Container Port (MICP).
Nadiskubreng nakatago ang mga sibuyas sa 8 container vans ng mga sibuyas na nagmula sa China.
Sa kasalukuyan ay inihahanda na ang mga kasong paglabag sa Anti Agricultural Smuggling Act of 2016 at Food Safety Act of 2013 laban sa mga consignees o mga may-ari ng kontrabando.
Magugunitang dati nang nagbabala ang Department of Agriculture (DA) na posibleng hindi ligtas kainin ang mga smuggled na pagkain lalo na iyung mga produktong hindi dumaan sa mga pagsusuri.