Mga kasong isinampa laban kay PAO Chief Acosta at kasama nito, ibinasura ng Ombudsman

IBINASURA ng Office of the Ombudsman ang kasong kriminal at administratibo na isinampa ni Atty. Wilfredo Garrido Jr. laban kina Public Attoney’s Office (PAO) Chief Persida Acosta at Forensic Lab Chief Dr. Erwin Erfe.

Kaugnay ito sa umano’y maling paggamit sa tanggapan at pondo nito para palalain ang galit ng publiko sa Dengvaxia vaccination program.

Ayon kay Ombudsman Samuel Martires, ibinasura ang kaso dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Sinabi rin ng Ombudsman na hindi lumabag sa anumang batas ang case building ng PAO sa Dengvaxia cases dahil sakop ito ng kapangyarihan ng PAO.

SMNI NEWS