Mga kasong isinampa vs Jay Sonza, ibinasura ng Korte

Mga kasong isinampa vs Jay Sonza, ibinasura ng Korte

NILINAW ng kampo ng beteranong mamamahayag na si Jay Sonza na paninira lamang ang mga kasong isinampa laban sa kaniya.

Kamakailan ay nag-trending ang mug shot ni Sonza at ang pagkakaaresto nito.

Nakakulong siya ngayon dahil sa estafa at illegal recruitment.

Ayon sa lead counsel nito na si Atty. Israelito Torreon, dismissed na ang mga kasong non-bailable laban sa dating broadcaster.

“Na-dismiss na ‘yung non-bailable offenses na chinarge sa kaniya sa RTC Branch 100 at saka sa RTC Branch 215- dismissed na ito. August 8 pa lang ‘yung sa RTC 215 dismissed na pero hindi naming inannounce in the hope na hindi naman talaga ito totoo na kaso pero na-news na kasi so ngayon ipaalam naming sa madla na ‘yung non-bailable offenses dismissed na,” ayon kay Atty. Israelito Torreon, Lead Counsel ni Sonza.

13 ang mga kaso laban kay Sonza.

Ang natitirang 11 na ordinary estafa cases ay bailable charges at bailable o maaaring makapagpiyansa.

Dahil dito ay maaaring makalaya na si Sonza sa detention facility.

Nag-ugat ang mga kaso laban kay Sonza noong mga panahon na naging corporate officer ito ng isang land-based manpower agency.

Ngunit isang taon lamang daw itong naging kabahagi ng kompanyang nadawit sa kaso.

Pito silang kinasuhan ngunit si Sonza lamang ang na-media.

Depensa ng kampo ni Sonza, walang direktang reklamo laban kay Sonza.

“Marami silang finilan actually seven sila. Mga corporate officers at that time. Naging corporate officer nga totoo for 1 year si Sir Jay Sonza but 2004 pa lang noong tumakbo siya sa as a politician hindi na siya involved diyan. Tapos ang complainant, 2007-2008. So nagtataka nga kami, even if you read the affidavit complaints, wala talagang specific overt acts na nadiscribe doon kung ano ang involvement ni Sir Jay Sonza,” dagdag ni Atty. Torreon.

Nakuwestiyon naman ng kampo ni Sonza ang timing ng pagsasampa ng kaso noong 2015- mga panahon na kasagsagan ng kampanya ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Kilalang supporter ni dating Pangulong Digong si Sonza.

“2015 po kasagsagan ng kampanya. Tapos ‘yung alleged incidents happened in 2007 and 2008. Seven or eight years before the alleged incident. So, as to why was it filed in the middle of the campaign in 2015, hindi natin alam ‘yun,” ayon pa kay Torreon.

Sa ngayon, tinatrabaho na ng kampo ni Sonza na siya’y makalaya sa lalong madaling panahon.

Malaki ang paniniwala ng kampo ni Sonza na paninira o smear attack ang ginawa laban sa dating TV Host.

Lalo na’t meron itong chronic pulmonary condition o hika.

Mga bintang vs Jay Sonza, walang katotohanan-Legal Counsel

“Sa lahat po ng taga-suporta ni Tito Jay Sonza, wala pong katotohanan ‘yung ipinaparatang sa kaniya. Huwag po kayong mag-alala, ginagawa po namin ang lahat ng aming makakaya para makalabas na siya sa kulungan at mangyayari po iyon within the day o tomorrow,” pagwawakas ni Torreon.

Follow SMNI NEWS on Twitter