NANANATILING positibo sa red tide toxin ang mga shellfish o lamandagat mula sa katubigan ng Zamboanga, Samar, at Biliran.
Partikular na dito ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang mula sa Dumanquillas Bay, Zamboanga del Sur; Daram Island at Irong-Irong Bay sa Samar; at Matarinao Bay sa Eastern Samar.
Maging sa Tungawan sa Zamboanga Sibugay Province; at sa Biliran Islands, Biliran Province.
Tanging ligtas kainin mula sa mga nabanggit na lugar ay mga isda, pusit, hipon, at alimango o alimasag basta’t presko ang mga ito at nahugasan nang maayos.