Mga katutubo, nagsagawa ng peace rally vs mga komunista sa Tarlac

Mga katutubo, nagsagawa ng peace rally vs mga komunista sa Tarlac

NAGTIPON-tipon ang 200 katutubo mula sa apat na munisipyo ng Tarlac upang kondenahin ang pang-aabuso, panggagamit at panloloko ng mga komunistang-terorista sa pamamagitan ng IP Peace Rally na ginanap sa Sitio Baag, Barangay Iba, San Jose, Tarlac.

Ang IP Peace Rally ay  isang inisyatiba ng mga katutubong lider mula sa bawat pamayanang tribu ng San Jose, Mayantoc, Capas at Bamban ng Probinsiya ng Tarlac na naglalayong protektahan ang bawat katutubo laban sa mga terorista.

Kamakailan, 9 katutubo na dating miyembro ng CTG ang sumuko at nagbalik-loob sa 3rd Mechanized Infantry Battalion at 38 katutubo naman ang nag-withdraw ng kanilang suporta sa mga terorista.

Isang katutubo sa katauhan ni Johnny Basilio isang dating miyembro ng mga terorista, nagrecruit at namuno sa hanay ng mga katutubo upang mag-aklas at magprotesta sa lansangan laban sa pamahalaan ang nagbigay ng kanyang karanasan at nanawagan sa kanyang mga kapatid na katutubo na manindigan laban sa mga terorista.

“Sayang ang araw, sayang ang buhay, sayang ang talino ng ating mga katutubo, hindi aasenso ang ating bayan kung hindi tayo magkakaisa kung puro tayo nagsasalungatan. Huwag nating sayangin ang ating kalikasan, ang ating mga kabataan,” pahayag ni Basilio.

Kasabay nito ang kanyang panawagan sa mga kapwa nito katutubo na huwag tangkilikin ang panloloko ng mga komunistang teroristang kilusan sa kanilang mga komunidad.

“Nananawagan ako sa sambayanang katutubo ng probinsya ng Tarlac at maging sa ibang probinsya pa ng ating bansa na kung may naniniwala pa sa mga kaliwang grupo ay makipag-isa tayo sa ating pamahalaan upang ang ating bayan ay maging matahimik at maging maunlad,” ani Basilio.

Ayon kay Lieutenant Colonel Eugene Henry Z Cabusao, ang Commanding Officer ng  3rd Mechanized Infantry Battalion, ang pinakitang pagkakaisa aniya ng mga katutubo ay isang simbolo ng pagkakaisa upang putulin na ang kanilang pagka-alipin sa mula sa mga NPA.

“Pinagtibay ninyo ang  panawagang kayo ay lubayan na para tigilan ng mga terorista sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagsama-sama. Tapusin na natin ang matagal nang nagpapahirap sa ating bansa. Sapat na ang limampung taong panloloko sa mga katutubo sana ito na ang kanilang huling anibersaryo,” pahayag ni Cabusao.

BASAHIN: Iba’t ibang grupo nagsagawa ng indignation rally laban sa CPP-NPA

Follow SMNI News on Twitter