SA gitna ng mga pagsubok, nananatili ang pananalig ng mga katutubo sa kapangyarihan ng panalangin.
Sa isang natatanging prayer rally ngayong araw, Marso 22, 2025, nagkaisa ang mga katutubong Bagobo-Klata sa Davao City upang ipagdasal ang muling pagbabalik ng dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa bansa.
Sa pamamagitan ng panalangin, awitin, at katutubong sayaw, ipinahayag ng mga katutubo ang kanilang matibay na pananalig na sa tamang panahon ay tutugunin ng Poong Maykapal ang kanilang hinaing—ang muling pagbabalik ng dating Pangulo sa bansa matapos itong sapilitang dalhin sa The Netherlands.
Lubos ang kanilang paghanga at pagpapahalaga kay Duterte dahil sa kanyang malasakit at mga nagawa para sa mga katutubo mula pa noong siya ay alkalde ng Davao City hanggang sa maging Pangulo ng Pilipinas. Para sa kanila, si FPRRD ay hindi lamang isang lider kundi isang ama at tagapagtanggol na tunay na nagmahal sa kanila.
Sa pamamagitan ng panalangin, umaasa silang mapakikinggan sila ng Diyos at ng mga namumuno sa bansa—na si FPRRD ay muling makakapiling ng bayang kanyang minahal at pinaglingkuran.
#PDPLaban
#Duterte
#ayusinnatinangPilipinas