BILANG pakikiisa sa pagdiriwang ng Philippine Civil Service Anniversary, may libreng sakay sa mga pangunahing rail lines sa Metro Manila para sa mga kawani ng gobyerno.
Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista ang programang libreng sakay ay isang paraan ng DOTr na kilalanin ang mahahalagang kontribusyon at tungkulin ng mga lingkod-bayan sa nation building.
“The free rides offered to our government workers in our major rail lines is the Department of Transportation’s way of honoring them. These civil servants give important contribution and perform indispensable role to nation building,” pahayag ni Bautista.
Maaring i-avail ang free ride sa MRT-3 at Light Rail Transit Authority – LRT2 mula 7:00 hanggang 9:00 ng umaga at 5:00 hanggang 7:00 ng gabi.
Samantala, ang PNR ay magbibigay ng libreng sakay sa mga kawani ng gobyerno sa buong araw, mula una hanggang sa huling biyahe sa lahat ng mga ruta ng operasyon.
Dito sa MRT-3, makakaakay nang libre ang sinumang lingkod bayan na may valid Government Employee ID.
Kailangan lamang itong ipakita sa MRT-3 personnel na matatagpuan sa service gate ng bawat istasyon upang mabigyan ng Magnetic Single Journey Ticket.
Ang parehong Magnetic Single Journey Ticket ay dapat iiwan ng pasahero sa service gate ng bababaang istasyon.
BASAHIN: CSC at SM supermalls, lumagda ng kasunduan sa pagbibigay diskwento sa lahat ng government employees