Mga kawani ng gobyerno na tinamaan ng COVID-19, mahigit 18,000 na

Mga kawani ng gobyerno na tinamaan ng COVID-19, mahigit 18,000 na

PATULOY ang pagtaas ng COVID- 19 cases sa hanay ng mga kawani sa gobyerno sa buong Pilipinas.

Sa update na ipinalabas ng Civil Service Commission o CSC, pumatak na sa 13,430 ang mga government workers sa National Capital Region o NCR namay kaso ng coronavirus disease 2019.

Halos doble ang itinaas nito sa Aug 5, 2020 update ng CSC na nasa 7,472 cases lamang sa Metro Manila.

Umakyat rin sa 129 na tanggapan ng gobyerno ang isinalang sa lockdown kumpara sa 108 offices sa unang linggo ng Agosto.

Sunod sa may maraming kaso ay ang Region 7 sa Visayas na nasa 2,394 na may labing anim na gov’t offices na isinalang sa lockdown.

Pinakamaliit naman ng kaso ay naitala sa Region 12 na may dalawang kaso at walang gov’t office na isinalang sa lockdown.

Sa kabuuan, pumalo na sa 18,045 ang bilang ng COVID- 19 cases sa mga kawani ng gobyerno sa buong Pilipinas- 17,557 ang active cases at 196 ang mga tanggapan na ipinasara o ni-lockdown.

Batay sa Aug 5, 2020 update ng CSC, 10, 339 lamang noong ang COVID-19 cases sa buong bansa.

Dahil diyan, mababatid na mahigit sa walong libong kaso ang naitala sa nagdaang linggo.

Ayon naman kay CSC Commissioner Atty. Aileen Lizada, ang pagtaas ng kaso ay resulta ng swabbing na ginagawa sa mga tanggapan ng gobyerno.

“Must be a result of the swabbing na ginagawa ng mga govt offices po, community transmission most likely.” Atty. Aileen Lizada, Commissioner, CSC

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.