PERSONAL na tinanggap ni Philippine Army Chief of Staff Maj. Gen. Potenciano C. Camba ang delegasyon ng Vietnam People’s Armed Forces Senior Colonel Tran Huu Dung sa 2nd Philippines-Vietnam Junior Officer’s Interaction Program, araw ng Martes, Pebrero 27, 2024 sa Fort Bonifacio, Taguig City.
Pinangunahan ni Huu Dung ang deputy head ng Vietnam People’s Army Youth Committee, ang study tour sa bansa kasama na ang junior officer’s military-to-military activity katuwang ang AFP.
Ang aktibidad ay tatagal ng anim na araw para talakayin ang iba’t ibang programa ng dalawang bansa sa usapin ng pagpapalakas ng depensa, pangangalaga sa karapatan ng kanilang mga nasasakupan at pagsasamoderno ng mga kagamitan at pasilidad sa larangan ng pinalakas na armed forces ng bawat bansa.
Hakbang ito sa pabago-bagong hamon na kinahaharap ng dalawang bansa sa paglipas ng panahon.
Nauna nang isinagawa ang 1st PH-VN JOIP sa Hanoi, Vietnam noong nakaraang Nobyembre 2019.