SA abiso ng Pilipinas Shell, Seaoil, at Caltex, magkakaroon ng bawas-presyo na ₱0.10 kada litro sa gasolina at diesel, habang ₱0.30 naman ang tapyas-presyo sa kerosene.
Magsisimula ang oil price rollback bukas araw ng Martes, Pebrero 11, 2025.
Ang bawas-presyo ay ₱0.10 sa gasolina at diesel, habang ₱0.30 naman sa kerosene.
May kaparehong bawas-presyo naman sa gasolina at diesel ang Cleanfuel at iba pang kompanya ng langis.
Epektibo naman ang naturang oil price rollback simula bukas ng 6 AM maliban sa Cleanfuel na magsisimula ng 8 AM.