SINUPALPAL ng beteranong abogado na si Atty. Ferdinand Topacio ang mga kongresista na ginagawang malaking isyu ang mga natanggap na resibo mula sa Office of the Vice President (OVP) para sa nagastos nito sa confidential fund.
Ilan kasi sa malaking isyu sa Kamara ay ang mga pangalan na nakalagay sa resibo tulad ng Mary Grace Piatos na ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) ay wala namang record ng kapanganakan.
Ayon kay Topacio, bakit ginagawang isyu ngayon ang confidential funds gayong matagal nang may ganitong uri ng alokasyon sa pondo ng gobyerno.
Banat pa nito, natural lamang na hindi mo ibibigay ang mga tunay na pangalan ng iyong impormante sa mga resibo dahil ito nga ay confidential o hindi dapat ipaalam sa publiko.
Sinupalpal din nito ang convicted na si France Castro sa mga tirada nito sa confidential fund.
Nagsalita na ang Ombudsman sa bagay na ito kung saan sinabi nitong walang sapat na basehan para imbestigahan ang Bise Presidente para sa posibleng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.