NAGPAABOT ng pakikiramay ang ilang kongresista sa naiwang pamilya ni dating Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario.
Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, isang ‘passionate defender’ ng national sovereignty ang yumaong si Del Rosario lalo na sa isyu ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
“Our country has just lost a consummate diplomat, a humble and conscientious public servant and civilian, and a staunch and passionate defender of national sovereignty,” saad ng House Speaker.
Para naman kay dating senador at ngayon Deputy Speaker Ralph Recto, isang respetadong diplomat si Del Rosario na kilala ng maraming mga bansa.
Kung si House Majority Leader Mannix Dalipe naman ang tatanungin, isang kampyeon si Del Rosario sa pagtataguyod ng demokrasya at kalayaan ng bansa.
Bagamat maraming isyu ang salungat ang kanilang paniniwala ay hanga si Dalipe sa pagiging totoong ‘statesman’ ni Del Rosario.
Si Del Rosario ay pumanaw ngayong araw sa edad na 83-anyos na may malaking ambag sa panalo ng Pilipinas sa maritime case kontra China sa isyu ng West Philippine Sea.