Mga kongresista, suportado ang panawagan ng mga medical frontliner

Mga kongresista, suportado ang panawagan ng mga medical frontliner

WoodProfit

NAKAKUHA ng suporta mula sa mga kongresista ang panawagan ng mga medical frontliner sa bansa na ibalik sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang National Capital Region (NCR) dahil sa lumalalang kaso ng COVID-19.

Matatandaan na humihingi ng break ang mga healthcare worker ng dalawang linggo para makapagpahinga din ang kanilang hanay kaya nila ipinanawagan na ibalik sa ECQ ang NCR.

Ayon kay Quezon City Rep.  Precious Hipolito Castelo, dapat pakinggan ng Inter-Agency Task Force o IATF ang panawagan ng mga frontliner.

“Let us listen to them. They are the ones on the frontline. Indeed, after five months of fighting this pandemic, they are exhausted physically, emotionally and mentally,” pahayag ni Castelo.

Dagdag pa ni Castelo, mababawasan rin ang pressure sa healthcare system ng bansa kung pagbibigyan ang panawagan ng health sector.

“Our medical workers are asking for a short time to recuperate. Let us give it to them,” aniya pa.

 

Mambabatas pinatitiyak sa IATF ang mas mahigpit na community quarantine

Subalit para kay AnaKalusugan Party list Rep. Mike Defensor, kailangang maayos ng COVID-19 National Task Force ang ilang mga gusot sa pagpapatupad ng ECQ.

Bagama’t suportado niya ang panawagan ng mga medical frontliner para sa ibalik muli sa ECQ ang bansa, ay kailangan munang maresolba ang kakulangan ng mga medical workers.

Paramihin ang bed capacities sa makeshift hospitals at quarantine facilities.

Pati na ang pag-improve sa contact tracing, quarantine facilities, public transportation at ayuda sa pamilyang nangangailangan.

 

[su_slider source=”media: 4927,4928,4929″ limit=”26″ link=”lightbox” width=”1600″ height=”860″ pages=”no” mousewheel=”no” autoplay=”3000″ speed=”500″]

 

Mandatory na pagsusuot ng face mask at face shield, ipinanawagan

Samantala, dahil sa nakagigimbal na pagtaas ng mga bagong kaso ng COVID-19, ibayong pag-iingat at disiplina ang kailangan ngayon lalo na para sa seniors, PWDs, mga buntis, mga may sakit sa puso, diabetes, kidneys, at HIV-AIDS.

Dumarami ang bagong kaso dahil nahahawa ang mga nagtatrabaho habang nasa opisina, pabrika, o sa biyahe tuwing papunta o pauwi sila.

kaya naman ipinanawagan ni Senior Citizens Party list Rep. Francisco Datol ipatupad ang mandatory na pagsusuot ng face mask at face shield.

Tulad aniya ng ginagawa na ngayon sa City of Manila, required na dapat sa lahat na GCQ areas ang face shield bukod pa sa face mask para sa lahat ng tao na lumalabas ng bahay o nasa trabaho.

Nakikiusap na rin si Datol sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ihanda na ang distribusyon ng seniors socialized pension na balanse para sa buong taon ng 2020 na hindi pa ibinigay mula January hanggang June 2020.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.