TUMATAAS ang bilang ng mga Amerikano sa Estados Unidos na nagpapakilala sa kanilang sarili bilang ateista, agnostiko o “walang partikular na relihiyon” na binabago ang istruktura ng mga relihiyon sa Amerika sa mga susunod na taon.
Ang bilang ng mga Amerikano na naniniwala sa Diyos ay bumaba sa pinakamababang antas sa loob ng 78 taon ayon sa pinakabagong poll.
Nakita ang mababang bilang sa paniniwala sa Diyos sa mga young adult, liberal at democrat, kung saan ang mga grupong ito ay nagpapakita ng pagbaba ng 10 o higit pang porsyentong puntos kumpara sa average ng mga poll na isinagawa mula 2013 hanggang 2017.
Ayon sa mga proyekto na isinagawa ng Pew Research Center, ang mga Kristiyano ay maaaring mas bababa pa sa 50 porsyento ng populasyon ng U.S. pagsapit ng taong 2070 kung magpapatuloy ang ganitong trend.
Mula noong 1990s, malaking bilang ng mga Amerikano ang umalis sa Kristiyanismo upang sumali sa lumalaking hanay ng mga nasa hustong gulang sa U.S. na naglalarawan sa kanilang relihiyosong pagkakakilanlan bilang hindi naniniwala sa Dios o ateista, agnostiko o walang partikular na relihiyon.
Samantalang ang iba pang relihiyon kabilang ang mga Hudyo, Muslim, Hindu at Budista ay humigit-kumulang 6%.
Ngunit ayon sa Pew Research, bumagal man o bumilis ang pagbabago ng mga bilang na ito, kumpyansa ang ahensya na ang Kristiyanismo sa Amerika ay bababa mula 64% hanggang sa pagitan ng 54% at 35% sa lahat ng mga Amerikano pagsapit ng 2070.
Ipinapakita rin ng mga bagong survey na ang mga bumibisita sa bahay sambahan ay mabilis na bumaba sa mga nagdaang taon, at mas mababa pa sa kalahati ng populasyon ay walang kinabibilangang simbahan, sinagoga o mosque.