NAGPULONG si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Cambodian Prime Minister Hun Sen upang mapalakas ang ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Cambodia.
Ginanap ang bilater meeting sa Peace Palace in Phnom Penh, Cambodia Huwebes ng gabi.
Ayon kay Pangulong Maros, napag-usapan nila ng Cambodian Prime Minister Hun Sen ang ilang isyu na mahalaga sa rehiyon maging ang usapin sa tension sa pagitan ng Russia at Ukraine at nagpapatuloy na sigalot sa Myanmar.
“The bilateral, last bilateral mtng I had was with PM Hun Sen and we discussed at length Myanmar and the possible areas of agreement within the different member states in ASEAN including, up to and including the problems we are feeling from conflict in Eastern Europe bet Russia and Ukraine,” saad ni Pangulong Marcos.
Ang Pilipinas at Camboda ay napanatili ang magandang diplomatic relations sa loob ng mahigit 6 na dekada.
Samantala, una nang nakipagpulong si Pangulong Marcos kay Vietnam Prime Minister Pham Ming Chinh kung saan pinuri nito ang pagtaas ng Gross Domestic Product ng Pilipinas na may 7.6% growth rate.
Ito na ang isa sa pinakamataas na paglago sa ekonomiya sa buong Asya.
Nagkaroon din ng pagkakataon si Pangulong Marcos kasama ang ASEAN leaders na mabati si Cambodian King Norodom Sihamoni nang bisitahin ito sa Royal Palace sa Phnom Penh.