Mga kukuha ng Bar exams, dapat sa official accounts lang ng SC kumuha ng impormasyon

Mga kukuha ng Bar exams, dapat sa official accounts lang ng SC kumuha ng impormasyon

PINAALALAHANAN ng Office of the 2022 Bar Chair ang publiko na tanging sa official website lamang ng Supreme Court (SC) at iba pang official channels kumuha ng impormasyon ukol sa nalalapit na 2022 Bar examinations.

Ayon sa Korte Suprema, ang mga impormasyon ukol sa bar exam ay isinasapubliko sa official website na https://sc.judiciary.gov.ph/ maging sa kanilang mga opisyal social media accounts na https://twitter.com/scph_pio, https://www.facebook.com/supremecourtphilippines at https://www.instagram.com/supremecourtph.

Binalaan din ang mga examinee sa pakikinig, paniniwala o pagpapakalat ng mga sabi-sabi tungkol sa 2022 Bar exams na maaaring magdulot ng pagka-alarma at distraction sa paghahanda sa nalalapit na pagsusulit.

Sa mga susunod na linggo, pinapayuhan din ang mga examinee na imonitor palagi ang kanilang plus accounts at Bar plus-registered email addresses para sa mga mahahalagang anunsyo.

Ang 2022 Bar exams ay gaganapin sa Nobyembre 9,13,16, at 20.

 

Follow SMNI News on Twitter