Mga kulungan na gawing ecozone, posibleng labag sa batas—Dating Palace Official

Mga kulungan na gawing ecozone, posibleng labag sa batas—Dating Palace Official

POSIBLENG hindi naaayon sa batas na gawing ecozones ang penal colonies o kulungan.

Ayon ito sa dating kalihim ng Department of Agriculture (DA) na si Leonardo Montemayor.

Hinggil aniya ito sa kasunduan ng Bureau of Corrections (BuCor) at Philippine Economic Zone Authority (PEZA) kung saan gagawing ecozones ang nasa 38-K ektarya ng lupain ng Iwahig Prison sa Palawan at 7-K ektarya ng Sablayan Farm sa Mindoro Occidental.

Ang maaari lang na gumawa nito ay ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).

Kaugnay rito ay hinihikayat din ni Montemayor si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na isagawa ang patas na pamamahagi ng mga lupang sakahan.

Alinsunod na rin ito sa Executive Order No. 75 noong taong 2019 ni Dating Pangulong Rodrigo Roa Dutere, kung saan kailangang mai-turnover ang unclassified government-owned lands sa Department of Agrarian Reform (DAR) at maipamahagi sa kwalipikadong benepisyaryo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble