Mga kumpanya ng langis, magpatutupad dagdag-bawas sa presyo ng kanilang produkto ngayong araw

Mga kumpanya ng langis, magpatutupad dagdag-bawas sa presyo ng kanilang produkto ngayong araw

MAGPATUTUPAD ng dagdag-bawas ang mga kumpanya ng langis simula ngayong araw ng Martes.

Nag-abiso ang Pilipinas Shell, Flying V, Phoenix Petroleum Philippines, PTT Philippines, Caltex, Seaoil, Petron, Cleanfuel, at Petrogazz ng P0.75 na dagdag-presyo sa kada litro ng kanilang gasolina.

Nasa P0.60 naman ang bawas-presyo sa kada litro ng kanilang diesel habang P0.75 sa kada litro ng kanilang kerosene.

Epektibo ang price adjustment kaninang madaling araw sa ilang kumpanya habang ang iba ay magpatutupad ngayong alas-6 at mamayang alas-8.

Samantala, may bawas-presyo sa liquified petroleum gas (LPG) ang ilang kumpanya ng langis.

Sa abiso ng Petron, epektibo na ang P2.50 na bawas presyo sa kada kilo ng kanilang LPG.

Katumbas ito ng P22.55 na bawas sa kada 11-kilogram LPG cylinder.

Habang may bawas din na P1.15 kada litro sa kanilang Auto LPG.

Samantala, inanunsyo rin ng Eastern Petroleum na may bawas din na P1.70 kada kilo o P18.70 ang kanilang 11-kilogram LPG cylinder.

Follow SMNI NEWS in Twitter