MAY big-time rollback ang mga kumpanya ng langis simula bukas, araw ng Martes.
Una nang nag-abiso ang Pilipinas Shell ng 70 sentimos na bawas-presyo sa kada litro ng kanilang gasolina.
Nasa P1.30 naman ang bawas sa kada litro ng kanilang diesel habang P1.80 sa kada litro ng kanilang kerosene.
Epektibo ang price rollback ng Shell bukas ng alas sais ng umaga.
Inaasahang mag-aanunsyo rin ngayong araw ng price adjustment ang ilan pang kumpanya ng langis.