Mga kumpanya ng langis, may bigtime rollback ngayong araw

Mga kumpanya ng langis, may bigtime rollback ngayong araw

MAKARARANAS ng big time rollback sa mga produktong petrolyo ang mga motorista ngayong araw ng Martes.

Sa abiso ng Pilipinas Shell at Seaoil, nasa 75 sentimos ang bawas-presyo sa kada litro ng kanilang gasolina.

Nasa P2.80 naman ang kaltas sa kada litro ng kanilang diesel habang P2.10 sa kada litro ng kanilang kerosene.

May kapareho ring rollback sa presyo ng gasolina at diesel ang Cleanfuel at Petro Gazz.

Pawang epektibo ang rollback ng 6am maliban sa Cleanfuel na 8:01am magpapatupad.

Follow SMNI NEWS in Twitter