Mga kumpanya ng langis, may taas-presyo ngayong araw

Mga kumpanya ng langis, may taas-presyo ngayong araw

MATAPOS ang ilang linggong rollback ay makararanas naman ng taas-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga motorista ngayong araw ng Martes.

Sa abiso ng Pilipinas Shell, Seaoil at Caltex, nasa 70 sentimos ang taas-presyo sa kada litro ng kanilang gasolina.

Nasa P2.90 ang dagdag sa kada litro ng kanilang diesel habang P1.65 sa kada litro ng kanilang kerosene.

May kapareho ring price adjustment sa gasolina at diesel ang Cleanfuel, Petro Gazz at PTT Philippines.

Pawang epektibo ang oil price hike ng alas 6 ng umaga maliban sa Caltex na alas 12:01 ng madaling araw pa nagpatupad at Cleanfuel na mamayang alas 4:01 ng hapon magsisimula.

Follow SMNI NEWS in Twitter