TULAD ng nakagawian tone-tonelada na namang basura ang iniwan ng mga nakiisa sa isinagawang Traslacion sa Quiapo, Maynila ngayong araw.
Ganito ang hitsura ng Quirino Grandstand sa Maynila matapos umalis ang mga nakilahok sa Traslacion.
Kahit saan ka tumingin – panay basura ang makikita mo.
Gayundin sa iba pang lugar na dinaanan ng mga tao para sa Traslacion.
Karamihan sa mga basura ay mga bottled water, plastic food containers at mga upos ng sigarilyo.
Sa entrance ng Quiapo Church kailangang pumila ng mga tao at ipa-check ang kanilang mga dala.
May mga scanner na nilagay para dito.
Ayon sa Office for Transportation Security, hindi na raw mabilang ang kanilang nakumpiskang mga lighters, ballpen at mga pabango na bawal sa Traslacion para sa seguridad ng publiko.
Ang mga tao, hirap ding pagsabihan na pumila para sa maayos na inspeksyon.
Mayroon namang mga taong dumagsa sa Traslacion ang nahilo, tumaas ang blood pressure at kailangang magpasuri sa medic.
Ayon sa mga awtoridad, wala namang kahit anong untoward incident sa ginaganap na Traslacion.