MAS lalo pang gumagaling ngayon ang mga korap sa gobyerno.
Ito ang sinabi ni Baguio City Mayor Benjie Magalong kaugnay sa isyung kinakaharap ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Matatandaan na sa isang pagdinig sa Senado, sinabing halos limang milyong Pilipino na ang natulungan ng AKAP ngunit wala namang maibigay na listahan o pangalan ng beneficiaries ang ahensiya.
Nabunyag pa na kahit sino gaya ng government agencies, chief executives o mga mambabatas ang nagbigay rekomendasyon sa mga magiging benepisyaryo ng programa.
Dito na sabi ni Mayor Magalong na nakokorap ang kaban ng bayan dahil nasa kanila ang pera.
Kung may listahan ng mga benepisyaryo sa programa, dapat ay mula sana ani Magalong sa City Social Welfare dahil sila talaga ang nakakaalam kung sino ang mahihirap at nangangailangan ng tulong.
Ngunit kung may maibigay lang din na listahan ng mga benepisyaryo, sigurado siyang mabibisto kung sinu-sino ang pinagbibigyan ng pera. Sa AKAP, ang bawat benepisyaryo na kumikita ng mas mababa sa minimum wage ay nakatatanggap ng tig-sampung libong pisong ayuda.
Follow SMNI News on Rumble