Mga kwalipikadong gov’t worker, makatatanggap ng medical allowance simula ngayong taon—DBM

Mga kwalipikadong gov’t worker, makatatanggap ng medical allowance simula ngayong taon—DBM

AASAHAN na ng mga kwalipikadong government worker na makatatanggap sila ng hanggang P7K na medical allowance bawat taon simula ngayong 2025.

Sa inilabas na statement ng Department of Budget and Management (DBM), saklaw rito ang regular, casual o contractual.

Maging ang appointive o elective at full-time o part-time government employees.

Ilan lang sa hindi kasama rito ang military personnel, uniformed personnel sa iba’t ibang safety at defense agencies, at mga government personnel na nakatatanggap na ng health maintenance organization (HMO-based healthcare services).

Para sa mas malinaw na impormasyon kung paano maging kwalipikado, makipag-ugnayan na sa ahensiyang pinagtatrabahuhan hinggil dito.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble