Mga labi ng 72 OFWs galing Saudi Arabia, nakatakdang dumating bukas

Mga labi ng 72 OFWs galing Saudi Arabia, nakatakdang dumating bukas

TINIYAK ng Department of Labor and Employment na makauuwi na sa Pilipinas ang ika-apat na batch ng mga nasawing overseas Filipino workers (OFWs) sa Kingdom of Saudi Arabia.

Sinabi ni Labor Secretary Sivestre Bello III na kabilang sa 72 OFWs na binawian ng buhay sa Saudi Arabia ay nasawi sa sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Nakatakdang dumating sa bansa ang naturang mga OFW bukas ng Biyernes, lulan ng isang chartered flight ng Philippine Airlines at inaasahang lalapag sa Ninoy Aquino International Airport alas 9:40 ng umaga.

Ipinaliwanag ni Bello na 62 sa mga namatay ay dahil sa COVID-19 habang ang 10 iba pa ay pumanaw naman dahil sa iba pang dahilan.

Nasa 40 ng mga naturang nasawi ay galing sa Al Khobar, 17 ang mula sa Jeddah at ang 15 iba pa ay galing naman sa Riyadh.

Samantala, balik-bansa na ang panibagong batch ng mga overseas Filipino repatriates galing Jeddah, Saudi Arabia na pawang apektado ng COVID-19 pandemic.

Lulan ng Saudia Airlines Flight SV 862 ang nasa 273 na mga overseas repatriates na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.