Mga lalabag na kumpanya at ahensya sa COVID-19 SOP sa Malaysia, maaaring pagmultahin ng RM 1-M

MAARING pagmultahin ng hanggang 1-M Malaysian Ringgit ang mga kumpanya at ahensya sa buong Malaysia na lalabag sa COVID-19 Standard Operating Procedure (SOP) ayon sa Ministry of Health.

Susuriin ng gobyerno ang amendment sa ilalim ng Prevention and Control of Infectious Diseases Act 342 na maaaring pagmultahin ng RM 1-M ang mga kumpanya at ahensya na lalabag sa COVID-19 Standard Operating Procedure (SOP).

Ayon kay Health Minister Khairy Jamaluddin, susuriin ng gobyerno ang pag amyenda sa Act 342 upang mabigyan ng mas mataas na parusa ang mga organisasyon, kabilang na ang mga mula sa sektor ng gobyerno at mga indibidwal na nabigong sumunod sa SOP.

Aniya, ipapatupad ito ng gobyerno sa mga malalaking kumpanya na paulit ulit na hindi sumusunod sa Standard Operating Procedure habang kumikita ng bilyon-bilyon taun-taon.

Gayunpaman, sinabi ni Health Minister Khairy na pananatilihin ang emergency ordinance na RM 10,000 para sa mga indibidwal na lalabag sa Standard Operating Procedure.

Samantala, patuloy na pinaaalalahanan ng kagawaran ang publiko na ugaliing sumunod sa Standard Operating Procedure upang maiwasan ang anumang kaparusahan nauna na rin nilang sinabi na maaaring ma deport ang sinumang dayuhan na mahuhuling lalabag sa kanilang mga panuntunan para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

SMNI NEWS