MAINIT at buong puso ang naging pagtanggap ng mga Ilonggo sa kandidatura ni Senatorial Candidate Pastor Apollo C. Quiboloy.
Eksaktong 90 araw bago ang halalan, pormal nang sinimulan ang campaign period para sa mga kandidato sa pagka-senador at party-list representatives.
Ngayong Martes, Pebrero 11, 2025, libu-libong taga-suporta ni Pastor Apollo sa Western Visayas ang nagpakita ng kanilang pagsuporta sa pamamagitan ng isang matagumpay na proclamation rally.
Ang iba sa kanila, nagmula pa sa malalayong lugar at hindi alintana ang gastos sa pamasahe—maipakita lamang ang kanilang dedikasyon sa kandidatura ni Pastor Apollo.
Punong-puno ng pag-asa ang mga Ilonggo sa paparating na halalan, dahil nakita nila kay Pastor Apollo C. Quiboloy ang katangian ng isang tunay na lider—may malasakit sa bayan at sa mga Pilipino.
Daan-daang taga-suporta ang nagtipon-tipon sa bayan ng San Miguel, Iloilo, upang ipahayag ang kanilang matibay na paninindigan na ipanalo si Pastor Apollo sa Senado.
Bagama’t ginanap sa San Miguel, Iloilo, dumayo rin ang mga tagasuporta mula sa iba’t ibang bahagi ng Western Visayas—Aklan, Capiz, Antique, Guimaras, Iloilo City, at Boracay—patunay ng lumalawak na suporta para sa kaniyang kandidatura.
Kahanga-hanga rin na karamihan sa mga dumalo sa rally ay hindi miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC), ngunit naniniwala sa mga adhikain ni Pastor Apollo para sa bansa.
Isa sa kaniyang pangunahing plataporma ang gawing First World Country ang Pilipinas at ipatupad ang Zero Corruption Policy—isang layuning sinusuportahan ni Guimbal mayoral candidate Eddie Gargaritano.
“Yes, posible! Maging first world country ang Pilipinas kung walang korapsyon. Ang korapsyon ang nagpapahirap at sumisira sa ating lipunan,” pahayag ni Eddie Gargaritano, Mayoral Candidate, Municipality of Guimbal, Iloilo.
Ganito rin ang pananaw ni Iloilo First District Congressional Candidate Vic Tabaquirao. Aniya, suportado niya ang kandidatura ni Pastor Apollo dahil kahit hindi pa ito nananalo, malinaw na ang direksiyon ng kaniyang plano para sa bansa.
“Una, siya ay bahagi ng ating partido, ang PDP-Laban. At higit sa lahat, kailangan natin siya sa Senado. Kahit hindi pa siya nakaupo, alam na niya ang mga dapat gawin—at ‘yan ang klase ng lider na kailangan natin!” pahayag naman ni Vic Tabaquirao, Congressional Candidate, 1st District, Iloilo.
Sa kabuuan, nagpapasalamat ang mga Ilonggo sa desisyon ni Pastor Apollo na tumakbo bilang senador.
Para sa kanila, ang kaniyang mga adbokasiya ang susi sa isang mas maunlad at matatag na Pilipinas.
Follow SMNI News on Rumble