Mga LSI na nakatambay sa Libingan ng mga Bayani, patuloy na dumadami

Mga LSI na nakatambay sa Libingan ng mga Bayani, patuloy na dumadami

PATULOY pa rin ang pagdagsa ng mga Locally Stranded Individual (LSI) sa Libingan ng mga Bayani (LNMB) sa Lungsod ng Taguig.

Mayroong pang 20 na LSI na nasa labas ng LNMB at umaasang maihahatid sila sa kani-kanilang mga probinsiya sa pamamagitan ng Hatid Tulong initiative program ng pamahalaan.

Batay sa kanilang kwento, nasa ikaapat na araw na silang naghihintay ng tulong mula sa pamahalaan na makauwi sila sa kanilang mga lalawigan.

Sa pakikinapanayam ng SMNI News Team, isa si Dann Dela Rosa na taga-Mindoro ang nakikipagsapalaran ngayon na makauwi sa kanilang lugar sa Mindoro.

Dating nagtatrabaho sa Binondo, Manila, bilang service crew hindi na nakapagtrabaho muli gawa ng lockdown kaya naisipan nitong umuwi nalang sa probinsiya.

Dahil sa kagustuhang makauwi sa pamilya sa ilalim ng Hatid Tulong initiative, pinilit nitong humabol sa libreng swab test sa MOA Arena.

Ang kaso, dahil sa kawalan din ng public transport nilakad nito mula sa Bulacan patungong Pasay.

At ngayon sa Libingan ng mga Bayani na siya mamalagi at naghihintay ng skedyul na makauwi na siya.

Narito ang pahayag ng isang Locally Stranded Individual na si Dann Dela Rosa:

 

Bagama’t Hindi man sila nagmamadali SA paguwi pero Kung Wala daw talaga, pinagiisipan na Rin nitong maglakad patungong batangas pier dahil doon ang samahan nila papuntang Mindoro Province.

Batay naman sa tala ng Hatid Tulong initiative program nitong August 20, mayroon nang mahigit 400 LSI na nasa Libingan ng mga Bayani ang naiuwi na sa Region 8, Region 9, Region 11 at Region 13 sa pamamagitan ng Hatid Tulong initiative program.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.