LIBU-libong indibidwal sa lugar na natamaan ng lindol sa Japan ang wala pa ring kuryente at suplay ng tubig hanggang sa ngayon.
Sunud-sunod na pagyanig ang naitala sa bansa kung saan ang pinakamalakas ay umabot nga sa magnitude 7.6 sa Noto Region sa Ishikawa Prefecture.
Pinangalanan naman ng Japan Meteorological Agency ang lindol na 2024 Noto Peninsula Earthquake.
Kaugnay rito, ang bilang ng nasawi ay umakyat na sa 78 sa Ishikawa Prefecture nitong Huwebes ng umaga.
Ang siyudad ng Wajima na pinaka naapektuhan sa Ishikawa Prefecture ay nakapagtala ng 44 na pagkasawi.
Ang mga nangyaring aftershock na naitala sa 95,000 kabahayan ay ang nakikitang dahilan sa pagkawala ng suplay ng tubig at kuryente sa lugar.
Samantala, ayon sa pangunahing communication service provider sa Japan, mayroon pa ring communication barrier sa ilang lugar sa Ishikawa Prefecture.
Tinataya naman na higit tatlumpu’t tatlong libo at apatnaraang katao ang lumikas na sa kanilang mga tahanan.
Dahil naman sa nasirang mga kalsada at imprastraktura, nahirapan ang mga rescue team na mag-abot ng relief supply.