Mga lupang sakahan sa Denmark, gagawin nang kagubatan

Mga lupang sakahan sa Denmark, gagawin nang kagubatan

GAGAWIN nang kagubatan ng bansang Denmark ang 15 percent sa kanilang mga lupang sakahan.

Hakbang nila ito para mabawasan ang paggamit ng fertilizer na siyang dahilan para bumaba ang oxygen level sa kanilang katubigan.

Sa paraang ito ay masosolusyonan na rin ang pagkamatay ng marine life dahil nga sa labis na paggamit ng fertilizer.

Kaugnay rito, target ng Denmark na makapagtanim ng isang bilyong puno sa mga lupang sakahan sa susunod na 20 taon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter