Mga mag-aalok at magbebenta ng COVID-19 vaccines, binalaan

MAHIGPIT na ipinagbabawal at maaaring makasuhan ang sinoman na mag-aalok at magbebenta ng COVID-19 vaccines.

Ito ang babala ng National Task Force against COVID-19 (NTF), Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA) kasunod ng mga ulat na may ilang indibidwal at institusyon ang nagbebenta ng COVID-19 vaccines na anila ay nabigyan na ng Emergency Use Authorization (EUA).

Sa abiso ng tatlong ahensiya, nilinaw ng mga ito na ang pagkakaroon ng EUA ng anumang bakuna ay hindi nangangahulugan na rehistrado na ito at nabigyan na ng market authorization kaya hindi dapat inaalok o ibinebenta.

Inulit din ng NTF, DOH at FDA na ang kaligtasan at kalidad ng mga bakuna na iligal na nabili ay hindi garantisado dahil maaaring peke ang mga ito o hindi bintahe sa tamang temperature.

Dagdag paalala pa ng tatlong ahensiya sa publiko na ang peke o spoiled vaccines ay maaring magresulta ng masamang epekto sa kalusugan kasama na ang kamatayan.

SMNI NEWS