Mga mag-aaral at guro, positibo ang tugon sa unang araw ng pilot run ng MATATAG Curriculum—DepEd

Mga mag-aaral at guro, positibo ang tugon sa unang araw ng pilot run ng MATATAG Curriculum—DepEd

POSITIBO ang tugon ng mga mag-aaral at mga guro sa unang araw ng pilot implementation ng MATATAG Curriculum o ang K-10 Curriculum, ayon sa Department of Education (DepEd).

Ayon kay Education Usec. Michael Poa, na sa pangkalahatan, receptive ang mga paaralan sa bagong curriculum.

Iniulat ng mga kalahok na rehiyon ani Poa na ang mga guro ay sapat na handa para sa pilot implementation dahil sa mga isinagawang capacity building activities at orientation sessions sa bagong kurikulum.

Dahil dito ayon kay Poa, ang mga class program design ay sumasailalim ng karagdagang mga pagsasaayos sa ilang mga paaralan upang matugunan ang mga pagbabagong time allotment ng mga partikular na learning areas.

Dagdag pa ng opisyal na inaasahan ang mga pagsasaayos na ito dahil ang pinakalayunin aniya ng pilot implementation ay subaybayan at matukoy ang mga lugar na maaaring kailangang pabutihin o mga pagpapahusay na maaaring ilagay.

Ito aniya ay bilang paghahanda para sa buong bansa na phased-implementation ng MATATAG Curriculum pagdating ng SY 2024 -2025.

Follow SMNI NEWS on Twitter