BIBIGYAN ng espesyal na atensiyon ang mga mag-aaral na sasalang sa Programme for International Student Assessment (PISA) sa susunod na taon.
Ito’y para mas mapabuti ang magiging performance ng bansa ayon kay Department of Education (DepEd) Sec. Sonny Angara.
Noong 2022 PISA, ang Pilipinas ay ika-anim mula sa pinakahuli sa rankings.
Ngayon, tinitingnan nilang hakbang ang pagbibigay sa mga mag-aaral ng special o review class at pagbibigay ng computers.
Nasa 1.6M na mga mag-aaral mula sa public schools ang tinatayang sasabak sa PISA sa Marso 2025.