Mga mag-aaral nagtipon sa Clark City, Pampanga para sa Int’l Youth Day 2024

Mga mag-aaral nagtipon sa Clark City, Pampanga para sa Int’l Youth Day 2024

NAGTIPON ang mga kabataang mag-aaral para sa pagdiriwang ng International Youth Day 2024 sa pangunguna ng DepEd Region III sa Clark City, Pampanga nitong Agosto 12.

Pinangunahan ni DepEd Assistant Secretary for Operations, Dr. Dexter A. Galban ang pagbubukas ng programa kasama sina Mr. Gustavo Gonzales, Resident Coordinator ng United Nations (UN) at Atty. Reena Vivienne C. Pineda, Commissioner Representing Luzon ng National Youth Commission (NYC).

Nakatuon sa temang “From Click to Progress: Youth Digital Pathways for Sustainable Development,” tampok sa pagdiriwang ang mga talakayan at demonstration kung paano magagamit ang teknolohiya upang maabot ang 17 Sustainable Development Goals (SDGs).

 

Editor’s Note: This article has been sourced from the DepEd Philippines Facebook Page.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble