Mga magsasaka sa Alaminos City, nakatanggap ng fertilizers mula sa DARFO1

Mga magsasaka sa Alaminos City, nakatanggap ng fertilizers mula sa DARFO1

NAKATANGGAP ang mga magsasaka ng lungsod ng Alaminos ng fertilizers sa isinagawang pamamahagi ng Fertilizer Discount Voucher (FDA) para sa rice farmers mula sa Department of Agriculture Regional Field Office I (DARFO1) ngayong araw.

Nanguna sa pamamahagi ang DARFO1 katuwang ang lokal na pamahalaang lungsod ng Alaminos sa pangunguna ng City Agriculture Office.

Full support naman dito si Mayor Arth Brayan Celeste at taos-pusong nagpapasalamat sa DARFO1 na kinatawan ni City Administrator Atty. Walter Macaiba.

Pinasalamatan naman ni DARFO1 Regional Executive Director Annie Barres ang lokal na pamahalaang lungsod ng Alaminos at mga magsasaka na kaagapay sa pagpapaunlad sa sektor ng agrikultura.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble