Mga magsasaka sa Negros Occ, humihingi ng tulong sa gobyerno

Mga magsasaka sa Negros Occ, humihingi ng tulong sa gobyerno

HUMIHINGI na ng tulong ang mga magsasaka sa Negros Occidental na naapektuhan ng pag-aalboroto ng Bulkang Kanlaon.

Partikular na sa Bago City, sinabi ng mga magsasaka doon na nasa 25 hanggang 30 na lang na sako bawat ektarya ang kanilang naa-ani.

Mas mababa ito kung ikukumpara sa 80 sako ng palay bawat ektarya noong bago pa ang pag-aalboroto ng bulkan.

Sa panig ng lokal na pamahalaan, nagpapatuloy pa rin naman sila sa pamamahagi ng tulong gaya ng financial assistance at mga binhi.

Ang Department of Agriculture (DA) ay sinabi rin na patuloy nilang susuportahan ang mga magsasaka.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble