NAKATANGGAP ng P1.873-M halaga ng traktora mula sa Department of Agrarian Reform (DAR) ang Agrarian Reform Beneficiaries Organization (ARBO) sa North Cotabato.
Layon nito na mapaangat ang pangkabuhayan ng mga benepisyaryo at mapalaki ang kita ng mga magsasakang kasapi sa organisasyon.
Ang 35-horse power na traktora ay climate resilient farm productivity support program ng DAR.
Ayon kay Atty. Milagros Isabel Cristobal, DAR Undersecretary for Support Services Office, ang pamamahagi ng traktora sa mga magsasaka ay alinsunod sa direktiba ng Pangulo na maging prayoridad ang food security ng bansa.