Mga magsisipagtapos ng PNPA Masidtalak Class 2023, pinaalalahanang maging epektibong opisyal ng Philippine National Police

Mga magsisipagtapos ng PNPA Masidtalak Class 2023, pinaalalahanang maging epektibong opisyal ng Philippine National Police

MALUGOD na tinanggap ng pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang PNPA Masidtalak Class 2023 sa ginawa nitong courtesy call sa Camp Bagong Diwa nitong Huwebes.

Personal na nagbigay ng payo at pasasalamat si NCRPO Chief PBGen Jonel Estomo sa nakita nitong interes ng mga estudyante lalo na sa larangan ng public service.

Ayon kay NCRPO Spokesperson LtCol. Dexter Versola, ipinaabot nila ang paghanga sa mga kadete na maging kapaki-pakinabang na mga lingkod ng bayan sa bansa.

“Nagbigay mensahe ang ating regional director na si PBGen. Jonel Estomo sa mga bagong kadete sila ay gagradweyt na five months nalang. So, ang kanyang mensahe ay i-focus ang kanilang pag-aaral and once maging officer sila, makasama na sila sa Office Corps of the Philippine National Police ay to follow orders ng aming command. Binigyang emphasis ng ating regional director na huwag pumili ng mga assignments kasi siya noong grumadweyt ay na-assign sa Mindanao. Ang challenges dito sa mga magagradweyt kasi it’s the different environment mula sa academy pagpunta nila dito sa society natin. So, doon maraming mga challenges like influence, silaw ng power, pera mga ganyan so ‘yun ang mga naging guidance ng aming regional director to focus kung ano ‘yung mga lessons learned inside the academy,” pahayag ni Versola.

Kasabay nito ang pangako ng mga kadete na magiging huwaran sila sa kapwa kadete, mga kabataan at mamamayan oras na maging bahagi na sila ng Philippine National Police (PNP).

“Inaasahan ng taumbayan na kaming mga kadete ay kapag kami ay nakapagtapos sa institusyon na ito ay magkakaroon ng mga maaasahang mga public servants na naglilingkod sa tri-bureau ng  ating bansa ang Philippine National Police, Bureau of Jail Management and Penology, and Bureau of Fire Protection. In everything we do, we do it with service, honor, integrity, and justice,” pahayag ni Cdt. IC Maricar Jessica Vergara ng Masidtalak CL 2023.

Sa katunayan, aminado ang mga kadete na malaking bagay ang pagpasok nila sa PNPA upang malinang ang kanilang disiplina at lumalim ang kanilang pagmamahal sa bayan.

Para sa ilang estudyante, masarap ang maging isang public servant lalo na sa pagtatanggol sa kapakanan ng kapwa at mga komunidad.

Kung sila ang tatanungin, pabor sila kasabay ng paghikayat sa mga kabataan na sumali sa isinusulong na mandatory ROTC para sa murang kaisipan ay matuto ang mga ito na gampanan ang malasakit sa kapwa at sa bansa.

“Pabor na pabor kami dyan sa pagsusulong ng mandatory ROTC program because of three aspects ‘yung morale, ethics, and discipline. So, unang-una ‘yung morale kasi pag sinabi nating ROTC ang nabubuo dyan ay ang bond ng bawat isang tao, bawat isang kadete, bawat isang participant ng training. What builds is connections, it builds stronger foundation towards a stronger Filipino person. Next we have the ethics. What does the ROTC program teaches us? It teaches us to be a morally and ethically a good person. It teaches us to control ourselves which brings me to our last aspect discipline. The mandatory ROTC program helps maintain discipline, keep our people, our cadets disciplined and just looking straight forward,” ayon naman kay Cdt. 1C Justin Jeremiah Bonjoc ng Masidtalak CL 2023.

Para naman sa ilang opisyal ng NCRPO, umaasa sila na malalagpasan ng mga estudyante ang iba’t ibang hamon na kahaharapin ng mga ito sa labas ng akademiya.

Ilan sa mga inaasahang magagampanan ng mga kadete ang pagtatanggol sa karapatan, at kaligtasan ng mga mamamayan at huwag magpadala sa tukso ng pera, impluwensiya at kapangyarihan.

“Sa organisasyon kasi marami ang temptation eh. Maraming bagay-bagay na mahaharap mo. Dapat ready ka kasi dito eh sa ganitong bagay lalung-lalo na ngayon marami tayong kinakaharap pagdating sa illegal drugs, anti-criminal effort ng PNP, and of course ang corruption aspect nandyan ‘yan. Sabi ko nga ang importante sa tao ang integrity talaga eh dapat dyan palang sa academy mino-mold tayo na meron kang integrity and ‘yun ang pinakaimportante dahil dyan kasi mapo-point out parati kung ‘yung  gagawin mo ba tama o hindi eh and for you to survive in the service may tatlong words akong ginagamit ‘yung decision-making ‘yung pagtingin mo tama ‘yes’ matuto kang magsabi ng ‘no’ kung mali then ‘pag nagkamali ka marunong kang magsabi ng ‘sorry’ at tanggapin ‘yung pagkakamali at i-correct dapat ‘yung pagkakamali,” pahayag ni PCol. Ponce Rogelio Penones, disitrict director ng Northern Police District.

Follow SMNI NEWS in Twitter