Mga magulang, hinimok ng NCCA na paigtingin ang pagtuturo ng Filipino values sa tahanan

Mga magulang, hinimok ng NCCA na paigtingin ang pagtuturo ng Filipino values sa tahanan

HINIMOK ng National Commission for Culture and Arts (NCCA) ang mga magulang na paigtingin pa ang pagtuturo ng Filipino values sa mga kabataan lalo na ngayong nasa modernong panahon.

Ang Bálay Pinoy ay ang flagship program ng NCCA na naglalayong mapalaganap at maitimo sa isip ng mga Pilipino ang mga halagahan o values na ating pinanghahawakan.

Mapagmahal, matulungin, magalang, mapagbigay, ilan lamang ito na mga ‘Filipino value’ na katangian na makikita sa isang Pilipino.

Pero, hindi maipagkakaila na sa henerasyon ngayon ay tila nakakalimutan na umano ito ng ilang mga kabataan.

Kung kaya’t, ito ang nais matugunan ng NCCA.

Sa press conference, araw ng Biyernes, binigyang-diin ng NCCA ang kahalagahan ng mga Filipino value.

Hinihimok ng ahensiya ang mga magulang na dapat panatilihin na maituro una pa lang sa mga tahanan ang mga Filipino value.

Sinabi pa ni Dr. Arvin Villalon, Commissioner, Subcommission on Arts ng NCCA na malaking bagay rin na naipasok sa curriculum mula Kinder hanggang Grade 10 ng basic education ang 20 Filipino values.

Kabilang dito ang pagmamahal sa pamilya at pamayanan, pananampalataya, pagkamit ng edukasyon at marami pa.

Kasabay rin ng pagdiriwang ng Filipino Values Month ngayong buwan ng Nobyembre, isa rin sa estratehiya ng ahensiya ay ang pag-iikot sa iba’t ibang mga lugar sa bansa.

Ito ay sa ilalim ng programang Bálay Pinoy, kung saan layunin nito na mapalaganap at maitimo sa isip ng mga Pilipino ang mga Filipino values.

Pag-usbong ng artificial intelligence, hindi nakaaapekto sa industriya ng sining—NCCA

Samantala, hindi naman ikinababahala ng NCCA ang pag-usbong ng bansa sa digitalisasyon at ang tinatawag na artificial intelligence (AI) sa usapin ng sining.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble