IBIBIDA muli ang mga makabagong kagamitan ng Philippine Army sa pagtatapos ng selebrasyon nito sa kanilang ika-127 anibersaryo ng Pambansang Katihan ngayong araw sa Trainings and Doctrine Command Headquarters sa Capas Tarlac.
Ilan sa mga tampok dito ang Autonomous Truck Mounted Howitzer System (ATMOS) 155mm self-propelled guns at 120mm Mounted Mortar System (MMS), Armored Personnel Carriers (APCs) ng Armor Division.
Dadaluhan din ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang aktibidad bilang kinatawan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Nauna nang matagumpay na nakibahagi ang iba’t ibang yunit ng Philippine Army sa katatapos lang na CATEX Katihan live fire exercises na ginanap din sa Tarlac City.