KAILANGAN na ng bansa ang makabagong teknolohiya para matiyak ang suplay ng kuryente.
Ito’y para maiwasan na ang malakihang pag-aangkat ng fuel at upang hindi na rin gaanong maapektuhan ang publiko sa magiging presyo nito sakaling may mga hindi inaasahang pangyayari tulad ng digmaan sa pagitan ng Ukraine at Russia.
Ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian, kabilang na dito ang teknolohiya para sa nuclear power gaya ng modular reactors at Generation IV Nuclear Reactors.
Sa ngayon, tumataas ang demand ng kuryente sa bansa kasabay ang paglago rin ng ekonomiya at ang tanging pinagkukunan ng natural gas ay bumababa na ang suplay.
Kaugnay nito ay may naihain nang mga panukala si Sen. Gatchalian gaya ng Senate Bill No. 152 o ang Midstream Natural Gas Development Act; Senate Bill No. 151 o Waste-to-Energy Act; Senate Bill No. 485 na nagtatanggal ng 100-kilowatt distribution cap ng enerhiya mula sa solar panels; at Senate Bill No. 157 o ang Energy Transition Act.