Mga makakalikasan at pangkalusugan na aktibidad, tampok sa ika-18 Anibersaryo ng San Juan City

Mga makakalikasan at pangkalusugan na aktibidad, tampok sa ika-18 Anibersaryo ng San Juan City

IPINAGDIWANG ng lungsod ng San Juan ngayong araw, Hunyo a-dise-syete, ang ika-labing walong anibersaryo ng pagkakatatag nito bilang isang lungsod sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidad na nakatuon sa kalusugan, kapaligiran, at komunidad.

Pinangunahan ng mga opisyal ng lungsod, bike patrollers, at cycling enthusiasts ang “Bisikleta Para sa Kalusugan”, isang bike ride na nagtutulak ng malusog at aktibong pamumuhay.

Naglakbay sila patungo sa Ermitaño Creek at Maytunas Creek para bisitahin at subaybayan ang sabayang Barangay Cleanup Drive sa dalawampu’t isang barangay ng lungsod.

Kasama rin sa mga aktibidad ang pagbubukas ng Fiesta Bazaar, dengue awareness townhall, at feeding program, na bahagi ng pangako ng lungsod sa isang malusog, matatag, at makakalikasang San Juan.

Kasabay ng mga aktibidad ay inilunsad din ang “Do-It-Yourself Water Catchment System Contest” na layong hikayatin ang mga household, business establishment, at institusyon na gumawa ng sarili nilang sistema sa pangangalap at pagtitipid ng tubig-ulan.

Isa itong inisyatibo ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) bilang tugon sa pangangailangang pangkalikasan at water sustainability.

Makatatanggap naman ng cash prize ang mapalad na magwawagi sa contest sa darating na Marso 2026 bilang bahagi ng pagdiriwang ng World Water Day.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble