TAMPOK ang mga makasaysang lugar at Sand Dunes sa larangan ng turismo ang Ilocos Norte.
Ang ‘Malacañang of the North’ na matatagpuan sa Paoay, Ilocos Norte, ay isa sa mga pinupuntahang pasyalan ng mga turista.
Kilala bilang tirahan noon ng pamilya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr.
Ang Malacañang of the North noong siya pa ay Presidente ng Pilipinas.
Itinayo ito ng Philippine Tourism Authority na ngayon ay Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) noong 1977 para sa ika-60 kaarawan ni Marcos, at nagsilbing opisyal na tirahan para sa pamilya ng pangulo noong sila ay naninirahan sa Ilocos Norte.
Ang mansiyon ay may 2 palapag kung saan matatanaw ang Lawa ng Paoay, at binubuo ng 7 silid na ang bawat kuwarto ay may tema ng mga makasaysayang kaganapan mula sa panahon ng panunungkulan ng Dating Pangulong Marcos, Sr.
Kaya naman ang lugar na ito kasali sa listahan ng mga turista.
“Maganda po ang pagkakagawa, talagang memorable po sya. Talagang kahanga-hanga sya,” ayon kay Aling Leonida, Turista.
“Siyempre I feel so very proud ano dahil sa…ng isang tunay na Pilipino,” ayon naman kay Lucita, Turista.
Makasaysayan din ang pinakalumang simbahan ng Paoay na naitatag noong 1710.
Ang simbahan ay sikat sa natatanging arkitektura.
Ito ay idineklara bilang isang Pambansang Kayamanan ng Kultura ng gobyerno ng Pilipinas noong 1973 at isang UNESCO World Heritage Site sa ilalim ng kolektibong grupo ng mga Baroque Churches of the Philippines noong 1993.
Samantala kung mayroong Desert Safari na maipagmamalaki sa Dubai, mayroon naman na tinatawag na ‘Sand Dunes sa Ilocos Norte’.
Matatagpuan malapit sa Suba Beach, ang Sand Dunes ng Paoay na may iba’t ibang taas, hugis, at sukat at hindi static na anyo habang nagbabago depende sa lakas at direksiyon ng umiiral na hangin na nagmumula sa West Philippine Sea.
Gaya ng Dubai Safari Desert, maitururing din na adventure ang lugar.
Sa pamamagitan ng isang 4 × 4 na dyip, malilibot mo ang buong disyerto.
Yung nga lamang, kailangan ihanda ang sarili dahil mapapasigaw ka sa mala-roller
coaster na dadaanan sa buhangin.
Naabutan ng SMNI News na hindi lamang mga turista, pati mga estudyante ay dinarayo din ang lugar para sa isang educational tour.
Para kay Shirley May na isang guro, magandang aral na may matutunan ang mga estudyante.