NAIS ng Land Transportation Office (LTO) na gawing distribution area ang mga mall sa bansa para sa mga plakang hindi pa na-claim.
Ayon kay LTO chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II, target ng ahensiya na sa mga mall isasagawa ang pamamahagi ng mga plaka para mabilis ang pamamahagi ng mga ito.
Aniya, magpapatupad din ang ahensiya ng appointment scheme upang matiyak ang maayos na pamamahagi at pagpapalabas ng mga hindi na-claim na licensed plates.
Magtatalaga ang ahensiya ng mga ‘mystery applicants’ upang mag-obserba sa mga gagawing distribusyon.
Samantala, target ng LTO na gawing online ang mga transaksiyon sa ahensya para sa mas mapahusay ang serbisyo sa publiko.