Mga mamamayan sa Hilaga at Gitnang Luzon, mulat na sa panlilinlang ng CTGs

Mga mamamayan sa Hilaga at Gitnang Luzon, mulat na sa panlilinlang ng CTGs

HALOS lahat na ng mga barangay sa bawat probinsya ng Hilaga at Gitnang Luzon ay idineklara nang persona non grata ang CPP-NPA-NDF at parami pa nang parami ang mga nagbabalik-loob sa pamahalaan mula sa mga makakaliwang grupo.

Sa panayam ng SMNI News kay NolCom PIO LTC Elmer Salvador, mahina na ang iilan sa mga Kilusang Larangang Guerilya ang binabantayan ngayon ng NolCom na kumikilos sa boundary ng Abra, Kalinga, Apayao, Cagayan.

Dahil na rin sa impormasyon na naikakalat sa mga mamamayan patungkol sa mga makakaliwang grupo ay maraming dating rebelde ang nagbalik-loob sa pamahalaan at sila na rin mismo ang nagsasagawa ng peace rally at tumutulong ngayon sa pamahalaan na wakasan ang ideolohiya ng kanilang dating kilusan.

Ani Salvador, bago pa man mamatay ang ulo ng CPP-NPA-NDF na si Joma Sison ay humihina na ang mga makakaliwang grupo sa tulong na rin ng NTF-ELCAC.

 “Bago pa man po mamatay yung lider ng makakaliwang grupo ay talagang humina na sila sa Hilaga at Gitnang Luzon na gaya ng sinasabi ko napakalaking bagay po yung whole of nation approach, good governance na yung NTF-ELCAC ay talagang nakuha natin yung simpatya tsaka loob ng ating mga mamamayan na dating sumusuporta sa mga makakaliwang grupo at ngayon ay sumusuporta na sa gobeyerno,” pahayag ni LTC Elmer Salvador, PIO NolCom.

Nauna na rin aniya ang Region 1 na nagdeklara ng insurgency free sa buong rehiyon nito at agad na ring nakatanggap ng tulong partikular na ang barangay development program gaya ng farm to market road na siyang isyu na palaging ginagamit ng mga makakaliwa upang mang-recruit sa kanilang armadong kilusan.

Dagdag pa nito, malaki ang nagagawa ng pagtutulungan at pagbabayanihan ng mga Pilipino kasama ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang mabigyang solusyon ang mga problemang pilit pinupukol ng mga makakaliwang grupo.

Samantala, binabantayan ngayon ng NolCom ang mga kabataan na siyang isa sa pinaka target ng mga makakaliwang grupo upang sumama sa armadong kilusan sa pamamagitan ng awareness drive at ang kanilang programa na ‘UniVISITy’ na bumibisita sa bawat unibersidad upang ipaalam sa mga estudyante ang recruitment na ginagawa ng mga makakaliwang grupo.

“Lahat po ng mga pwedeng area kung saan po sila gumagalaw o kaya ay nanghihikayat gaya po ng areas kung saan po nagtatrabaho ang ating mga kababayan kung saan po sila nakatira at kung saan po nag-aaral. Yun po yung isang kailangang i-focus natin and yun po yung tinitignan ngayon ng NolCom at ng iba’t ibang joint task forces natin,” dagdag pa ni Salvador.

Gayunpaman, bukas ang kanilang tanggapan para sa mga nais mag boluntaryo gaya na lamang ng Keeper’s Club International na binuo ni Pastor Apollo C. Quiboloy na siyang founding chairman nito upang ipangtapat sa recruitment na ginagawa ng mga makakaliwang grupo sa mga kabataan.

“Of course, bukas po ang ating himpilan para sa mga volunteers at mga stakeholders natin na gustong makipagkaisa dito sa napakagandang programa para sa mga kabataan natin and makakaasa po kayo na very willing po ang Northern Luzon Command kasama ang joint task force natin dito sa Hilaga at Gitnang Luzon para makiisa po sa napakagandang layunin,” aniya pa.

 

 

Follow SMNI NEWS in Twitter