Mga mambabatas sa Russia, inaprubahan na ang batas na nagbabawal sa LGBTQ ‘propaganda’

Mga mambabatas sa Russia, inaprubahan na ang batas na nagbabawal sa LGBTQ ‘propaganda’

INAPRUBAHAN ng mga mambabatas ng Russia ang bill na nagbabawal sa lahat ng klase ng LGBTQ “propaganda” sa huling pagbasa habang ipinagpapatuloy ni President Vladimir Putin ang layunin nito para sa bansa upang kontrahin ang Western liberal values.

Ang Russia ay mayroong batas na nagbabawal sa itinatawag na “gay-propaganda” para sa mga menor de edad at sa bagong batas ay maaari itong mapalawig hanggang sa adults at patuloy na ipagbawal ang gay relationships sa bansa.

Ayon naman sa rights activists, mas malalagay sa panganib ang LGBTQ relationships sa Russia at maaapektuhan din nito ang lahat mula sa libro, pelikula, at social media posts.

Ang mga lalabag sa batas ay maaaring magbayad ng malaking multa na nagkakahalaga ng 10 million rubbles o 165,000 dollars.

 

 

Follow SMNI News on Twitter