UMALMA ang ilang mambabatas sa ginagawang pang-aatake ng Kamara kay Vice Presidente Sara Duterte.
Ito ay matapos ipag-utos ng Committee on Good Governance ng Kamara na ikulong ang Chief of Staff pangalawang pangulo na si Atty. Zuleika Lopez sa isang correctional facility batay sa isang contempt order.
Si Lopez ay una nang na detain sa Kamara matapos ma cite in contempt dahil sa umanoy pagsisinungaling sa pagdinig na nag-iimbestiga sa confidential funds ng office of the Vice President.
Para kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ‘di makatarungan ang ginawa ng kamara kay Lopez.
Ipinunto ni Bato, na dating PNP Chief, na wala siyang nakikitang dahilan para ikulong si Lopez sa isang correctional facility na lugar para sa mga convicted criminal.
‘’Hindi pa man lang nagiging accused ‘no, hindi pa na-file-an ng kaso, kung i-treat mo parang konbiktado na dadalhin mo sa Women’s Correctional? Women’s Correctional facility is a place for convicted criminals. I’ve been the director general of BuCor and alam ko kung anong sitwasyon ko diyan sa loob. ‘Yan ay kulungan ‘yan ng mga serving sentence, convicted felons serving sentence,’’ ayon kay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa Former BUCOR Director General.
Kinuwestiyon din ng senador kung bakit kailangan dalhin sa ibang lugar si Lopez gayung may sariling detention facility naman ang kamara para sa mga napatawan ng contempt.
“Magpa-contempt contempt kayo ng tao tapos hindi niyo kayang bantayan diyan sa inyong facility? Meron man kayong facility for persons cited in contempt, ‘di ba? You should have your own facility diyan sa Kongreso para bantayan ninyo. Bakit niyo dalhin doon?” saad ni Sen. Bato.
Maging mismong si Congressan Rodante Marcoleta ng Sagip Partylist ay ‘di rin sang-ayon sa ginagawa ng kanyang mga kasamahan sa mababang kapulungan ng kongreso.
Ayon kay Marcoleta na sa labing-pitong taon niya sa kongreso ay ngayon lamang siya nakasaksi ng ganitong pangyayari.
Kinuwestiyon ng batikang mambabatas at abugado kung ang kanilang ginagawang imbestigasyon sa opisina ng pangalawang pangulo ay “in aid of legislation” nga ba o “in aid of perseecution”
“Ang tanong, ang House of Representatives po ba ang gaganap sa tungkulin ng Commission on Audit? eh pag kung nagkaganoon ay tanggalin na natin ang COA sapagkat sila (Kamara) na ang nag-auaudit. Wala po sa tungkulin namin ang mag-audit,” ayon kay Rep. Rodante Marcoleta SAGIP Partylist.
Binigyang diin naman ng mambabatas na kung ang layunin nga ng kanyang mga kasamahan sa kamara ay mag-imbestiga “in aid of legislation” sa confidential funds ay dapat hindi lamang ito nakatuon sa opisina ng Bise Presidente.
Sinabi ni Marcoleta na bukod sa office of the Vice President ay may kanya-kanya ring confidential funds ang ibat-ibang bahagi ng gobyerno tulad ng National Government Agencies, Government Owned and Controlled Corporations, Local Government Units, at maging ang Office of the President, House Speaker at iba pa.
‘’Ilang opisina ba ang mayroong confifential funds sa palagay ninyo? may idea ba kayo? Wala bang nagtataka sa atin kung bakit iniisolate lang ang pilit na ginigisa lang ay ang office of the Vice preisident? atsaka yung DepEd kung saan naglinkod siya bilang Secretary? Papaano po yung iba? In aid of Legislation po ba ito o in aid of persecution? Kayo na po mag conclude ang linaw naman po nito eh?’’ ani Marcoleta.
Paalala naman ni Marcoleta sa kanyang mga kasamahan na kailanman ay ‘di mandato ng mababang kapulungan ng kongreso ang mag audit. Dapat ipaubaya na lamang ito aniya sa Commission on Audit.
‘’Hindi po namin trabaho ang mag audit. yung pong audit observation memo o di kaya notice of disallowance by their very nature eto po ay confidential. Bakit yung HOR kukunin nila ang mga documento at sila po ang gagawa sa trabaho ng COA? ANg ibig bang sabihin gagawa sila ng batas para i-abolish angh COA?’’ saad ni Rep. Rodante Marcoleta.
Nanawagan naman si Senador Bong Go sa mga mambabatas sa kamara na hinay-hinay lamang sa pag-cite ng contempt sa mga resource persons.
Ani Go hindi na nagiging productive ang mga ginagawang investigation in aid of legislation kung hindi dahil sa takot.
‘’Balikan sana natin ang mga house rules pagdating sa investigations in aid of legislation lalo na ang mga grounds for citing resource persons in contempt. Hindi dapat ito naaabuso. Bilang isang mambabatas at mamamayang Pilipino, nakikiusap po ako: Please stop the harassment. Please be reminded that this should be in aid of legislation, not persecution!’’ ayon kay Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go.
Nalulungkot din si GO na sa nangyayaring haraassment kay VP Sara ay nadadamay ang mga ordinaryong tao. Mas makabubuti aniya kung magkasundo at magtulungan na lamang ang dalawang panig para sa paglutas sa mga problema na kinakaharap ng ating bansa.
‘’Noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, wala namang ganitong nangyayari. Trabaho lang po at nagtutulungan ang mga iba’t ibang sangay ng gobyerno – ang executive at ang legislative — to craft laws para sa development po ng ating bansa at kapakanan ng ating mga kababayan. Importante ngayon trabaho muna, serbisyo muna,’’ saad ni Sen. Go.