Mga mamimili, dumidiskarte sa gitna ng pagtaas ng presyo ng Noche Buena items

Mga mamimili, dumidiskarte sa gitna ng pagtaas ng presyo ng Noche Buena items

TUMAAS ang kilay ng ilang mamimili dahil sa taas-presyo ng mga produktong pang Noche Buena  ilang araw bago ang Pasko.

Kaya si Aling Julie, babawasan niya lang muna raw ang mga ihahaing putahe sa kanilang salu-salo tulad ng hamon.

Kakaiba naman ang diskarte ni Mang Ed para makamura sa handaan ngayong Pasko.

Lutong gulay at isda na lang muna raw ang kanilang ihahanda na aniya’y mura na healthy pa.

Presyo ng Noche Buena items, 1% – 10% ang itinaas

Batay sa inilabas na price guide ng Department of Trade and Industry (DTI), nasa 1 to 10% ang itinaas ng presyo ng karamihan sa mga Noche Buena items.

Pangunahing dahilan ng pagtaas ng presyo ayon sa mga manufacturer ay ang mataas na cost ng raw materials.

Paglilinaw naman ng DTI na hindi sakop ang mga ito sa suggested retail price (SRP) dahil tanging mga basic necessities and prime commodities lamang ang covered ng SRP.

Payo naman ni Pascual sa mga mamimili tingnan ang range ng mga presyo na swak sa kanilang budget.

May mga Noche Buena packages naman na available sa mga supermarket na nagkakahalaga ng P400 hanggang P2,500 depende sa laman na mga item.

Marikina Public Market, sinuyod ng DTI

Samantala, inisa-isa ng DTI ang presyo at timbang ng mga pangunahing bilihin sa Marikina Public Market nitong umaga ng Miyerkules.

Layon ng DTI na matiyak na pasok pa rin ang mga bilihin sa SRP at wasto ang timbang ngayong holiday season.

So far naman daw ay tumatalima ang mga vendor ng nasabing palengke sa itinakdang SRP.

Follow SMNI NEWS in Twitter