Mga mamimili sa Divisoria, hindi alintana ang panganib ng Omicron variant

HINDI alintana ng mga mamimili sa Divisoria ang panganib ng Omicron variant.

Para lamang makamura at makatipid ay mas gusto ng mga shoppers na pumunta ng night market sa Divisoria, Manila.

Ito ay kahit alam nilang dagsain ito ng mga tao at maaaring manganib ang kanilang kalusugan dahil sa banta ng COVID-19.

Dalawang araw na lamang at pasko na, ang mga tao double time na rin sa pamimili ng ireregalo sa pasko.

Ganito ang sitwasyon sa night market sa labas ng Tutuban mall sa Divisoria, Manila.

Siksikan at walang social distancing ang mga tao na mamimili.

Ayon naman sa mga ito, kahit ganito ang sitwasyon sa Divisoria at may panganib ng Omicron variant ay mas gusto nilang dito mamimili para makamura.

Kung may masaya naman sa ganitong pagdagsa ng mga shoppers ay ang mga vendors.

Nakakabawi na aniya sila ngayon sa kinikita at gastusin sa bahay lalong lalo na ngayong kapaskuhan.

Sa halagang 50 pesos ay maaari ng makabili ng pinakamurang tshirt na pangregalo sa night market.

Ang mga damit pambata ay maaaring mabili mula 100- 150 pesos.

Habang sa halagang 100 pesos ay maaari ng makabili ng sapatos pambata.

Ang mga maliit na pouch ay maaaring mabili sa halagang 20 pesos.

SMNI NEWS